Novena
Thursday, September 14, 2023
PAGSISISI
Panginoon kong Diyos, Amang walang hanggan, ako'y dumudulog sa Iyo upang ilahad at ihingi ng tawad ang aking mga kasalanan. Ako'y nagsisisi nang buong puso sapagkat Ikaw ang lumikha sa akin at bukal ng lahat ng kagalingan, ngunit nagkasala pa rin ako sa Iyo.
Nagtitika ako na iwasan ang mga tao at lugar na nagdudulot ng kasalanan, at nanga ngako akong hindi na muling magkakasala, sa tulong ng lyong biyaya. Umaasa akong pata tawarin Mo ang lahat ng aking mga kasalanan at nang sa gayon ay maging karapat-dapat ako sa lyong mga biyaya at awa, hanggang sa makarating ako sa buhay na walang hanggan. Amen.
PAUNANG PANALANGIN
O Diyos na bukal ng lahat ng kabutihan, nagpapatirapa ako sa Iyong harapan at humi hiling na sana'y maging mabunga sa aking isip at kaluluwa ang nobenang ito na iniaalay ko sa karangalan ng aking pintakasing si San Lorenzo Ruiz.
Liwanagan Mo ang aking pag-iisip upang makilala ko ang mga katotohanang itinuro Mo sa pamamagitan ng Iyong Anak na si Hesus. Papag-alabin Mo rin sa pag-ibig ang aking puso upang ito ay maging laging laan sa pag ibig sa pananampalataya hanggang sa ito'y maitaguyod at maipagtanggol ko tulad ng ginawa ni San Lorenzo Ruiz.
O Mahal na Birheng Maria, dumudulog ako sa lyo bilang Ina ng aking Mananakop, Ina rin ng sangkatauhan at halimbawa sa kaba baang-loob at pagkamasunurin.
Sa tulong ni San Lorenzo Ruiz na kinasihan ng pag-ibig sa iyong pangalan, idalangin mo na kamtin ko rin ang biyayang tinanggap ni San Lorenzo Ruiz, na mahalin ang aral at turo ng Panginoon hanggang sa huling sandali ng buhay. Amen.
TANGING PANALANGIN KAY SAN LORENZO RUIZ SA UNANG ARAW
O pinagpalang San Lorenzo Ruiz, ikaw na itinangi ng Panginoon na mag-alay ng buhay alang-alang sa pananampalatayang Kristi yano, lumalapit ako sa iyo upang dakilain ang mga gawang kabanalan na iyong ipinakita nang ikaw ay naglilingkod bilang sakristan, katulong at eskribano sa simbahan.
Ikaw na naging halimbawa sa pami mintuho sa Mahal na Birhen sa pamamagitan ng pagdarasal ng Santo Rosario, kasihan mo ako ng iyong dalangin upang ako'y maging tapat din sa aking debosyon sa ating Ina, na siyang magiging gabay ko sa aking pagtawid sa kabilang buhay.
Ipanalangin mo rin ako upang maging karapat-dapat sa pagpapala ng Panginoon, at hinihiling ko na idalangin mo sa Panginoon ang biyayang nais kong makamit sa nobenang ito, alang-alang kay Kristo Hesus. Amen.
TANGING PANALANGIN KAY SAN LORENZO RUIZ SA IKALAWANG ARAW
O butihing San Lorenzo Ruiz, dumudulog ako sa Iyo upang sambitin angiyong ngalan at hilingin ang iyong tulong upang magkaroon ako ng biyaya ng kalinisan tulad ng naganap sa iyo nang ikaw ay naglilingkod sa simbahan.
Alalahanin mo ako habang pinagninilay ko ang biyayang binyag na tinanggap mo at tinanggap ko rin, na sa pamamagitan niyon ay naging anak tayo ng Diyos, kasapi ng Santa Iglesya at karapat-dapat na pumasok sa kaharian ng langit.
Idalangin mo na mapanatili ko ang mga pangakong kalakip ng binyag na iginawad sa akin tulad ng pagtalikod kay Satanas, sa pag iwas sa lahat ng kasamaan at pananatili sa pananampalatayang Kristiyano.
Nawa'y maging tapat ako sa aking mga pangako ng pananatili sa biyaya ng Diyos, pakundangan sa iyong mga halimbawa, alang-alang kay Kristong aming Panginoon. Amen.
TANGING PANALANGIN KAY SAN LORENZO RUIZ SA IKATLONG ARAW
O maamong San Loreno Ruiz, ikaw na tumanggap ng sakramento ng kumpil at pinatunayan mo sa paraan ng kamatayan ang bunga ng gawaing banal na ito, naninikluhod ako sa iyo upang nilayin ang kahalagahan ng pagiging kawal ni Kristo.
Sa pamamagitan ng kumpil, ay itinatak sa akin ang pagmamahal sa Diyos, ang pagdakila sa mahal na pasyon at kamatayan ni Kristo, at ang pananatili sa pananampalatayang Kristiyano sa harap ng mga tukso at kaaway.
Tulungan mo akong dumalangin sa Panginoon na maging matibay sa mga simulain at paninindigang Kristiyano, hindi bilang pakitang-tao lamang kundi tunay at tapat sa loob.
Sana ang Espiritu Santo na natanggap ko sa Kumpil ay manatiling buhay sa aking isip at kalooban tulad ng ipinakita mo nang pinili mong mamatay kaysa itakwil ang paniniwala sa Diyos, alang-alang sa mga pasakit ni Hesukristong aming Panginoon. Amen.
TANGING PANALANGIN KAY SAN LORENZO RUIZ SA IKAAPAT NA ARAW
O mapagkalingang San Lorernzo Ruiz, ikaw na nagpahayag ng iyong pananam palataya sa harap ng banta at takot ng kamatayan, namimintuho ako sa iyo upang sa iyong tulong ay maipahayag ko rin ang aking paniniwala nang buong tatag at tapang sa harap ng mga taong malayo sa Diyos at Simbahang Kanyang itinatag.
Nang naglilingkod ka sa simbahan bilang tapat na tagasunod ng pananampalataya, madalas kang dumulog sa kumpisalan upang doon ay humingi ng tawad sa mga pagkakasala at magkamit ng aral at patnubay sa buhay Kristiyano.
Idalangin mo na ako sana ay magkaroon din ng loob na dumulog sa kumpisalan tuwing makagagawa ng kasalanan, at nang sa gayon ay laging manatili sa biyaya ng Diyos.
Tulungan mo na ako'y magkaroon ng pagkapoot sa kasalanan at maging laan sa paghingi ng tawad pagkatapos ng isang taos pusong pagsisisi, alang-alang sa walang hanggang awa ni Hesukristong aming Tagapagligtas. Amen.
TANGING PANALANGIN KAY SAN LORENZO RUIZ SA IKALIMANG ARAW
O San Lorenzo Ruiz, huwaran ng mga deboto ni Maria, ikaw na nagkaroon ng lahat ng pagkakataon upang makaniig at maka-isa ni Hesukristo sa pamamagitan ng pagtanggap ng Banal na Komunyon, lumuluhog ako sa iyo na sana'y maging matibay din at palagian ang pagmamahal ko sa Banal na Eukaristiya.
Bilang tagasunod ni Maria, inilakip mo at ginawang matibay na batayan ng iyong pami mintuho sa ating Ina ang Banal na Komunyon na iyong tinatanggap sa pusong malinis at matuwid na budhi.
Halina at idalangin mo na ako'y mag karoon din ng wagas na pag-ibig sa Santisimo Sakramento na dinarakila ko tuwing dadalaw sa simbahan.
Buong kapakumbabaang idinadalangin ko na tunghayan mo ako mula sa langit na iyong tahanan, upang maging bahagi ng aking buhay-espirituwal ang malimit na pakiki nabang, alang-alang sa dakilang pagsamba at pagluwalhati sa aming Panginoong Hesukristo. Amen.
TANGING PANALANGIN KAY SAN LORENZO RUIZ SA IKAANIM NA ARAW
San Lorenzo Ruiz, ikaw na pintakasi ng buong bansa, sapagkat ikaw ang kauna-unahang santo na ipinahayag nang buong dangal; ikaw rin na nagpakita ng mabuting halimbawa bilang ama ng tahanan at butihing asawa, idalangin mo na ako'y maging tunay at tapat na kasapi ng aking pamilya.
Lumalapit ako sa iyo upang humingi ng tulong at biyaya na magampanan ko ang aking mga tungkulin, tulad ng iyong halimbawa, bilang anak ng pananam palatayang Kristiyano at kabilang sa isang angkang may paniniwala sa Diyos.
Kung paanong minahal mo ang iyong asawat mga anak, at sa gayon ay naging marapat ka sa mata ng Panginoon, idalangin mo na magkaroon din ako ng biyaya ng pagmamahal sa lahat ng mga bagay tungo sa kagalingan ng aking angkan at mga kamag-anak.
Ilawit mo sa akin ang iyong pagkalinga, at hilingin sa Panginoong tinatamasa mo sa langit, na ang pamilyang kinabibilangan ko ay lubos na makatupad ng mga tungkulin Sa Diyos at sa kapwa, alang-alang sa mga biyaya ng Sagrada Familia, Jesus, Maria at Jose. Amen.
TANGING PANALANGIN KAY SAN LORENZO RUIZ SA IKAPITONG ARAW
Ang salita ng Diyos ay naging gabay at bukal ng biyaya sa iyo, O San Lorenzo Ruiz, sapagkat tuwing nagdarasal ka ng Santo Rosario ay pinagninilay mo ang mga yugto ng buhay ni Hesus at Maria na inilalahad sa Banal na Kasulatan, tulungan mo ako na matulad sa iyo sa pagmamahal sa mga Salita ng Diyos.
O Banal na pintakasi ng sambayanang Kristiyano, tunghayan mo ako at idalangin na sana'y maging maibigin din ako sa aral ng Diyos, ni Hesukristo at ng Kanyang mga apostol, na nasasaad at nalalarawan sa Biblia. Sana'y hindi lamang matutuhan ko ang mga aral na ito kundi maisagawa ko rin sa pang araw-araw na pamumuhay.
O San Lorenzo Ruiz, dinggin mo ang aking mga panalangin at hilingin sa paanan ng Panginoon na ako'y pagpalain sa isip, sa puso at sa katawan upang mapalaganap ko rin ang Banal na Ebanghelyo hanggang sa huling oras ng aking buhay tulad ng ipinakita mong halimbawa.
Itulot mo, O mahal kong San Lorenzo Ruiz, na maging apostol din ako ng aking pananampalataya, hindi lamang sa pangangaral kundi rin sa pagsasabuhay ng mga Salita ng Diyos, alang-alang sa mga katotohanang makalangit. Amen.
TANGING PANALANGIN KAY SAN LORENZO RUIZ SA IKAWALONG ARAW
O nakakahalinang San Lorenzo Ruiz, na ang buhay ay tunay na nakatawag-pansin dahil sa mga hiwagang nagdulot ng buhay na walang hanggan; ikaw na sa pag-alis sa Maynila patungong ibang bansa ay sumama sa mga misyonero hanggang sa ikaw na rin ay naging tagapagdala ng sulo ng pananampalataya; idalangin mo ako na sana'y hindi ako manghinawa sa pagtupad ng aking mga tungkulin bilang Kristiyano at laging hawakan nang matayog ang watawat ng Kristiyanismo.
Halina't bigyan mo ako ng lakas ng loob na maging kasangkapan ng pagpapalaganap ng pananampalataya tulad ng mga apostol. Tulad nila, ikaw rin ay naging martir sa ngalan ng Panginoon upang patunayan ang lantay na ginto ng iyong pananalig sa Diyos.
Dumudulog ako sa iyo, San Lorenzo Ruiz, upang humingi ng tulong na magkamit ng biyaya sa pagtatanggol sa aking pananam palataya. Kung kailangan at sa tulong ng iyong dalangin, akoʻy mamamatay na rin bago itakwil ang Diyos na sa akin ay lumikha at nagbibigay-buhay, alang-alang sa dugo ng mga martir ng pag-ibig sa Diyos. Amen.
TANGING PANALANGIN KAY SAN LORENZO RUIZ SA IKASIYAM NA ARAW
O San Lorenzo Ruiz na nagpakita ng halimbawa sa pagpapakasakit at pagtatakwil ng sarili huwag lamang talikdan ang Diyos at ang pananampalataya, hinihiling ko sa iyo na lingunin mo ang aking mga panganga ilangang pangkaluluwa at pangkatawan. Sa gayon ay makapaglilingkod ako nang tapat at lubos sa Diyos at kapwa.
Sa pamamagitan ng iyong amatayan sa kamay ng mga walang Diyos, ipinakita mo ang kahalagahan ng sakripisyo lang-alang sa isang layuning makalangit. Sa lahat ng pagka kataon, maging noong nasa Maynila ka hang gang sa makarating sa ibang bansa, pinamayani mo ang pagsunod sa kalooban ng Diyos. Tulungan mo rin ako na magkaroon ng diwa ng pagsunod sa Kanyang kalooban tulad ng hinihiling ko sa panalanging "Ama Namin".
Huwag mong itulot, O San Lorenzo Ruiz na ako'y mapabilang sa mga taong nagmamahal ng mga bagay na makamundo, higit kaysa sa kagalingang makalangit.
Tulungan mo akong dumalangin na laging manatili sa biyaya ng Panginoon ayon sa banal na halimbawang ipinakita mo, alang-alang kay Hesukristong aming Panginoon na Siyang pinagmunmulan ng lahat ng kabutihan. Amen.
PANGWAKAS NA PANALANGIN
O San Lorenzo Ruiz, akO ay nagpupuri sa iyo dahil sa maalab na pag-ibig mo sa iyong pananampalataya. Binantaan ka ng kamatayan, ngunit hindi mo itinatuwa ang iyong pag-ibig sa Diyos. Idalangin mo sa Panginoon na magkaroon din ako ng bahagi sa gayong pag-ibig.
San Lorenzo Ruiz, ipanalangin mo kami.
O San Lorenzo Ruiz, dinadakila kita dahil sa iyong matayog at matapat na pamimintuho sa Mahal na Birhen, na hindi mo kinalinutan kahit na sa gitna ng iyong mga gawain sa araw-araw.
San Lorenzo Ruiz, ipanalangin mo kami.
O San Lorenzo Ruiz, ako'y nagpupugay sa iyong katapatan sa paglilingkod sa kapwa. Sana'y tulungan mo akong umibig din sa aking kapwa sa paraang tunay na maka Kristiyano tulad ng walang pag-iimbot na gawa at hindi sa salita lamang.
San Lorenzo Ruiz, ipanalangin mo kami.
Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.
Thursday, September 7, 2023
𝗣𝗮𝗺𝗶𝗯𝗶 𝘀𝗮 𝗘𝗻𝗼𝘁 𝗻𝗮 𝗔𝗹𝗱𝗮𝘄 𝗸𝗮𝗻 𝗡𝗼𝘃𝗲𝗻𝗮 𝗸𝗶 𝗗𝗶𝘃𝗶𝗻𝗼 𝗥𝗼𝘀𝘁𝗿𝗼
An Omboy na Lawog ni Jesus:
Misterio kan Pagkani-laman asin Pagkamundag ni Jesus
Kan mag-abot an kapanoan kan panahon, isinubol kan Diós an saiyang Akì, namundag sa Babae… Isinubol kan Dios an Espiritu kan saiyang Akì sa satong mga puso, espiritu na nagkukurahaw: “¡Abba! ¡Ama!” (Gal. 4, 4-6)
O Jesus, sa dakulang pagpakumbabâ asin pagkamakinuyog-kuyog, asin sa kautoban kan panugâkan Amâ sa pagpadara nin Mesías, ika nani-laman sa popônan ni Virgen María asin namundag sa kinâban. An saimong Omboy na Lawog, na maogmang namansayan ninda San José asin Santa María, mga Pastores asin mga Mago, Simeon asin Ana, dakulang paglaom niamo, na kami man mga akì nin Diós, na hale sa puso nag-aapod saiya: “¡Abba! ¡Amâ!”
O makawiwiling Omboy na Lawog ni Jesus! Tâdaw ta si Herodes na tampalasan boót kang gadanon? Dai niamo mahonâ-honà an kasakitan na tulos idinolot saimo kan kinâban dawà ngani ika namumundag pa sana.
O Divino Rostro, kaheraki kami, asin antabayan sa samong pag-atubang sa mga kasakitan na dara kan kinâban. Iparayô mo kami sa makuring pagsakit, alagad, siring kan pagluha mo nin dugo sa Getsemani: “bako an kabôtan ko, kundi, an kabôtan kan Diós Amâ an mangyari.” Amen.
𝗣𝗮𝗺𝗶𝗯𝗶 𝘀𝗮 𝗜𝗸𝗮𝗱𝘂𝘄𝗮𝗻𝗴 𝗔𝗹𝗱𝗮𝘄 𝗸𝗮𝗻 𝗡𝗼𝘃𝗲𝗻𝗮 𝗸𝗶 𝗗𝗶𝘃𝗶𝗻𝗼 𝗥𝗼𝘀𝘁𝗿𝗼
An Barobata na Lawog ni Jesus:
Misterio kan Pagtalubo ni Jesus sa Lindong kan Pangataman kan saiyang mga Magurang
(Si Jesus) naghilig kaiba (kan saiyang mga magurang) asin nagpa-Nazaret: makinuyog-kuyog sya sainda. Rinimpos kan saiyang Inâ an gabos sa saiyang puso. Si Jesus nagtatalubo sa kadonongan, edad asin gracia sa atubang nin Dios asin mga tawo. (Lc. 2, 51)
O Jesus, dakula an pag-mâwot mo sa pag-utob kan kabôtan kan Amâ, kaya nagpawalat ka sa Templo. Alagad, dahil dai pa napapanahon, dawà ngani mâwot mo mag-erok sa harong kan saimong Amâ, ika nagkuyog sa saimong mga magurang, asin nag-iba sa Nazaret sa pagpairarom sa lindong kan saindang pangataman.
An saimong Barobatang Lawog, na nagdara nin dakulang pagkangalas sa mga Paratukdo huli sa saimong hararom na pakasabot asin mga simbag, magin man lugod samong karîgonan sa samong pagtalubo sa kadonongan, edad asin gracia. O makiuyog-kuyog na Barobatang Lawog ni Jesus! Tâdaw ta dakul an ngonian dai naghihinanyog saimo? Dai niamo masabotan an samong pagkabongog sa saimong Tataramon.
O Divino Rostro, kaheraki kami, asin patawadon mo an samong mga pagbasang-basang siring sa ginibong paghadok saimo ni Judas na tampalasan. Tabangan mo kami, na maghinanyog asin isabuhay an saimong Tataramon, siring man tukdoan kami nin tamang pagkuyog sa mga nanonongdan sa samo. Amen.
𝗣𝗮𝗺𝗶𝗯𝗶 𝘀𝗮 𝗜𝗸𝗮𝘁𝗼𝗹𝗼𝗻𝗴 𝗔𝗹𝗱𝗮𝘄 𝗸𝗮𝗻 𝗡𝗼𝘃𝗲𝗻𝗮 𝗸𝗶 𝗗𝗶𝘃𝗶𝗻𝗼 𝗥𝗼𝘀𝘁𝗿𝗼
An Lawog ni Jesus kan siya Binonyagan: Misterio kan Sacramento nin Bonyag
Nag-abot si Jesus haleng Nazaret Galilea asin binonyagan ni Juán sa Jordan. Tulos, paghâwas sa tubig, nahiling niyang nabubuksan an langit asin an Espiritu, garo salampati, nagtutugdon saiya. Asin sarong tingog duminatong hale sa langit: “Ika an sakong Akì, an namomòtan; ika an sakong pigmarhayan.” (Mc. 1, 9-11)
O Jesus, dawà dai nin salà, nagpabonyag ka sa
nag-alang-alang na si San Juán Bautista, tanganing itukdo samo an halangkaw na kahulugan kan Bonyag na itinugdas mo bilang Sacramento. An saimong Lawog kan ika binonyagan, pagiromdom samo, na kan kami man binonyagan, naghilig samo an Espiritu Santo, asin kami nagin makawiwiling mga akì kan mahal na Diós.
O malinigon na binonyagan na Lawog ni Jesus! Tâdaw ta pinabayaan mi na madigtaan nin kasâlanan samong binonyagan na lawog? An samong kasâlan, garo samong pagsokiti sa Mahal mong Lawog!
O Divino Rostro, kaheraki kami, asin tabangan na panindogan an samong panugâ sa Bonyag, na “isikwal si Satanas asin an kasâlan; asin magtubod sa Diós Amâ, Diós Akì asin Dios Espiritu Santo; asin sa Banal na Catolicong Simbahan. Amen.
𝗣𝗮𝗺𝗶𝗯𝗶 𝘀𝗮 𝗜𝗸𝗮-𝗮𝗽𝗮𝘁 𝗻𝗮 𝗔𝗹𝗱𝗮𝘄 𝗸𝗮𝗻 𝗡𝗼𝘃𝗲𝗻𝗮 𝗸𝗶 𝗗𝗶𝘃𝗶𝗻𝗼 𝗥𝗼𝘀𝘁𝗿𝗼
An Lawog ni Jesus sa saiyang Pagharubay kan Kahadean nin Diós: Misterio kan Kahadean kan Diós
Uminabot si Jesus sa Galilea, ihinaharubay an evangelio nin Diós asin nagsasabi: “Nautob na an panahon, harani na an kahadean nin Diós; magbaklê kamo asin magtubod sa evangelio!” (Mc. 1, 14-15)
O Jesus, nakamumuyang pagmasdan an saimong Lawog sa pagharubay mo kan Kahadean nin Diós. Makawiwiling pagdangogon an saimong mga mahamis na Tataramon tanganing mamidbidan niamo an Diós Amâ na labi-labing namomoot samo. An Saimong mga katukdoan asin pagpaomay sa mga may helang asin kapansanan, mga pagpatotoo na ika an Mesias, an Cristo na sinugo kan Amâ sa pagtubos samo.
O Maomayon na naghaharubay na Lawog ni Jesus! Tâdaw ta pinapabayaan mi, na an saimong mga pagharubay na naglaog sa sarong talinga, magluwas sa ibong na talinga? Kami nakakadangog alagad dai man naghihinanyog; may talinga, alagad, bongog.
O Divino Rostro, kaheraki kami, asin patawadon mo an samong mga pag-olog-olog saimo, orog na an dai paghinanyog kan saimong pagharubay kan Kahadean nin Diós. Paomayan mo man tabi an samong mga kahelangan asin kapansanan. Orog na tabangan mo kami sa pagbaklê, asin pataluboon mo an samong pagtubod sa Evangelio. Amen.
𝗣𝗮𝗺𝗶𝗯𝗶 𝘀𝗮 𝗜𝗸𝗮-𝗹𝗶𝗺𝗮𝗻𝗴 𝗔𝗹𝗱𝗮𝘄 𝗸𝗮𝗻 𝗡𝗼𝘃𝗲𝗻𝗮 𝗸𝗶 𝗗𝗶𝘃𝗶𝗻𝗼 𝗥𝗼𝘀𝘁𝗿𝗼
An Lawog ni Jesus kan Transfiguracion: Misterio kan Transfiguracion
Ipinag-iba ni Jesus si Pedro, si Santiago saka si Juán; asin dinara sinda sa halangkaw na bukid, sinda sana. asin natransfigurar siya sa atubang ninda. (Mc. 9, 2)
O Jesus, sa pag-ultanan kan saimong ministerio kan pagharubay kan Kahadean kan Diós, asin kan saimong Mahal na Pasion, an saimong pagka-Dios, ipinamalas mo. An Mahal na Lawog mo kan Transfiguracion, liwat, nagpahayag kan Pagkasarô mo sa Diós Amâ asin Diós Espiritu Santo siring kan nangyari kan ika binonyagan.
O maliwanagon na Lawog ni Jesus kan Transfiguracion! Tâdaw ta dai minidbid kan mga tampalasan an saimong pagka-Diós? Malà ngani hinampak pa an saimong mahal na Hawak, asin kinoronahan nin tonok an saimong mahal na Payo sa pag-olog-olog saimo.
O Divino Rostro, kaheraki kami, asin patawadon mo kami ta huli sa kasâlan niamo, dinagdagan mi pa an paghampak asin pagkorona nin tonok sa saimo. Darhon mo kami sa pagkalinig kan samong hawak asin kalag, na matransfigurar man kami sa Ngaran mo, tanganing magkanigo na makahiling kan saimong mamurawayon na Lawog. Amen.
𝗣𝗮𝗺𝗶𝗯𝗶 𝘀𝗮 𝗜𝗸𝗮-𝗮𝗻𝗼𝗺 𝗻𝗮 𝗔𝗹𝗱𝗮𝘄 𝗸𝗮𝗻 𝗡𝗼𝘃𝗲𝗻𝗮 𝗸𝗶 𝗗𝗶𝘃𝗶𝗻𝗼 𝗥𝗼𝘀𝘁𝗿𝗼
An Lawog ni Jesus sa saiyang Pagsakit asin Pagkagadan: Misterio kan Ecce Homo
Nagluwas na gayo si Jesus, nakokoronahan nin tonok asin nagugubingan nin purpura. Asin nagsabi (si Pilato) sainda: “¡Uya an tawo!”. Kan mahiling siya kan mga poon na padi asin kan mga tawohan, nagkurahaw sinda: “¡Ipako sa cruz, ipako sa cruz!” (Jn. 19, 5-6)
O Jesus,” siring na nangirhat sa panhinayang (saimo) an dakul, ta naraot an (saimong) itsura, bako na sa-tawo, asin an (saimong) anyo, bako na sa akì ni Adan” (Is. 52, 14), ako man napapanô nin matagom na kamundoan, asin an sakong puso nagluluha sa pag-agrangay, sa ginibo niamong paglapastangan sa saimong matubis na Lawog.
O matinios na Lawog ni Jesus kan Pagsakit asin Pagkagadan! Tâdaw ta naginibo mi ini saimo? Alagad, nagpapasalamat kami, ta natalâ sa lienzo ni Santa Veronica an saimong Lawog, tanganing igwa kami nin mabansay na paggiromdomon, na an gabos na pagsakit mo, ginibo mo sa dakulang pagkamoot na matubos kami sa kasâlan.
O Divino Rostro, kaheraki kami, asin an saimong Lawog danay niamong pagsambahon, orog na, na ini man an Maheherakon na Lawog kan Amâ. Amen.
𝗣𝗮𝗺𝗶𝗯𝗶 𝘀𝗮 𝗜𝗸𝗮-𝗽𝗶𝘁𝗼𝗻𝗴 𝗔𝗹𝗱𝗮𝘄 𝗸𝗮𝗻 𝗡𝗼𝘃𝗲𝗻𝗮 𝗸𝗶 𝗗𝗶𝘃𝗶𝗻𝗼 𝗥𝗼𝘀𝘁𝗿𝗼
An Lawog ni Jesus sa Kalayo kan Espiritu Santo: An Misterio kan Paghilig kan Espiritu Santo
Dangan nagpahiling sainda nakataltag na mga dila na garo kalayo na tuminugdon sa lambang sarô sainda. Napanô sinda gabos kan Espiritu Santo. (Gibo 2, 3-4)
O Jesus, tanganing dai magin ilo an saimong mga disipulos, hinangos mo sainda an saimong Espiritu. Pag-abot kan aldaw nin Pentecostes, huminilig sainda an Espiritu Santo. Napanô kan balaog kan Espiritu Santo, an saimong mga disipulos nagpoon sa pagbalangibog kan Saimong Marhay na Bareta, na nagin simbolo kan Pagkamundag kan Simbahan, na itinalaga mo sa pagpadagos sa pagdara sa katawohan na makabalik sa Diós.
O Diósnon na Lawog ni Jesus sa Kalayo kan Espiritu Santo! Liwat ipinahayag mo an Pagkasarô nindo kan Diós Amâ asin Diós Espiritu Santo, sa pagkamoot asin pagmâwot na kami makasaro man sa Santisima Trinidad.
O Divino Rostro, kaheraki kami, asin sa pagpanô mo samo kan Saimong Espiritu kan kami binonyagan asin kinumpil, palaada an Kalayo kan Espiritu Santo samo, tanganing imbes na matakloban asin masayang, magliwanag sa samong buhay asin maglakop sa kinâban. Danay niamo lugod midbidon an Balaog kan Espiritu Santo, tanganing matalâ nanggad sa samong buhay. Amen.
𝗣𝗮𝗺𝗶𝗯𝗶 𝘀𝗮 𝗜𝗸𝗮-𝘄𝗮𝗹𝗼𝗻𝗴 𝗔𝗹𝗱𝗮𝘄 𝗸𝗮𝗻 𝗡𝗼𝘃𝗲𝗻𝗮 𝗸𝗶 𝗗𝗶𝘃𝗶𝗻𝗼 𝗥𝗼𝘀𝘁𝗿𝗼
An Lawog ni Jesus sa Kalayo kan Espiritu Santo: An Misterio kan Paghilig kan Espiritu Santo
Dangan nagpahiling sainda nakataltag na mga dila na garo kalayo na tuminugdon sa lambang sarô sainda. Napanô sinda gabos kan Espiritu Santo. (Gibo 2, 3-4)
O Jesus, tanganing dai magin ilo an saimong mga disipulos, hinangos mo sainda an saimong Espiritu. Pag-abot kan aldaw nin Pentecostes, huminilig sainda an Espiritu Santo. Napanô kan balaog kan Espiritu Santo, an saimong mga disipulos nagpoon sa pagbalangibog kan Saimong Marhay na Bareta, na nagin simbolo kan Pagkamundag kan Simbahan, na itinalaga mo sa pagpadagos sa pagdara sa katawohan na makabalik sa Diós.
O Diósnon na Lawog ni Jesus sa Kalayo kan Espiritu Santo! Liwat ipinahayag mo an Pagkasarô nindo kan Diós Amâ asin Diós Espiritu Santo, sa pagkamoot asin pagmâwot na kami makasaro man sa Santisima Trinidad.
O Divino Rostro, kaheraki kami, asin sa pagpanô mo samo kan Saimong Espiritu kan kami binonyagan asin kinumpil, palaada an Kalayo kan Espiritu Santo samo, tanganing imbes na matakloban asin masayang, magliwanag sa samong buhay asin maglakop sa kinâban. Danay niamo lugod midbidon an Balaog kan Espiritu Santo, tanganing matalâ nanggad sa samong buhay. Amen.
𝗣𝗮𝗺𝗶𝗯𝗶 𝘀𝗮 𝗜𝗸𝗮-𝘀𝗶𝘆𝗮𝗺 𝗻𝗮 𝗔𝗹𝗱𝗮𝘄 𝗸𝗮𝗻 𝗡𝗼𝘃𝗲𝗻𝗮 𝗸𝗶 𝗗𝗶𝘃𝗶𝗻𝗼 𝗥𝗼𝘀𝘁𝗿𝗼
An Lawog ni Jesus sa mga Sacramento: An Misterio kan mga Sacramento
Ginarod an saiyang hirog kan sarô sa mga soldados, asin tulos luminuwas dugo asin tubig. (Jn. 19, 34)
O Jesus, an pagbolos kan dugo asin tubig hali sa saimong Hirog, nagin simbolo kan pagtugdas mo kan mga Sacramento, na mga Tanda kan pagwaras mo nin gracia, hale sa kairaroman kan saimong pagkamaboót asin pagkamoot sa samo. Itinugon mo sa Simbahan an pagwaras kan mga Sacramento, tanganing sa lambing estado kan samong buhay, mapanô kami nin Gracia.
O Mapangyaring Lawog ni Jesus sa mga Sacramento! Ika an Diósnon na Burabod nin gracia asin bendicion, na danay na nagbubulos asin nunca maaati.
O Divino Rostro, kaheraki kami. Sa pagtapos mi kaining novena, siring na natalâ sa lienzo ni Santa Veronica an saimong Mahal na Lawog, sa pag-akò niamo kan mga Sacramento, orog na kan Sacramento nin Kumpisal asin Eucaristia, “tandaan mo kami kan liwanag na iyo an saimong Lalawgon, Kagurangnan” (Salmo 4, 7), asin matalâ man nanggad sa samong isip asin boót, tataramon asin gibo, sa bilog ming buhay, an saimong Mahal na Lawog. Amen.
Wednesday, October 26, 2022
Awit: Inang Sakdal Linis
Inang sakdal linis,
kami ay ihingi
Sa Diyos Ama namin,
awang minimithi.
Ave, Ave, Ave Maria.
Ave, Ave, Ave Maria
Bayang tinubua'y
ipinagdarasal
At kapayapaan
nitong sanlibutan.
Ave, Ave, Ave Maria.
Ave, Ave, Ave Maria
Pambungad na Panalangin
Namumuno: Sa ngalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu Santo.
Lahat: Amen.
Namumuno: Mga kapatid, bilang mga anak ng ating Banal na Ina ay nagtipon-tipon tayo sa harap ng kanyang mapaghimalang larawan upang parangalan siya at humingi ng lahat ng ating kailangan sa Panginoon sa tulong ng kanyang panalangin. Dahil sa tayo ay di karapat-dapat na mga anak, humingi muna tayo sa Diyos ng awa at patawad.
Lahat: Mahabaging Ama, * sinugo Mo sa lupa ang Iyong Banal na Anak * upang tubusin at iligtas kami * sa pamamagitan ng Kanyang pagkamatay at muling pagkabuhay * at upang bigyan kami ng bagong buhay. * Sa pamamagitan nito * ginawa Mo kaming Iyong mga anak * upang magmahalan kami * tulad ng pagmamahal ni Kristo sa amin. Anong limit naming malimutan * ang dakila naming karangalang ito. * Nagkasala kami sa aming mga kapatid; * nagkasala kami sa Iyo. * Mahabaging Ama, * patawarin Mo kami. * Tapat naming pinagsisisihan ang aming mga kasalanan. * Kahabagan Mo kami, maawaing Ama. * Lagi nawa kaming mabuhay * bilang matapat Mong mga anak.
Awit: Birhen Maria, Tala sa Umaga
Birhen Maria, Tala sa Umaga
Noon pa man ay itinangi ka.
Ang ‘yong liwanag
ang takdang lulupig
kay Satanas, tao’y ililigtas.
Refrain:
Iyong tunghan
kaming nananambitan
At ang lupang iyong tinapakan.
Tulong mo’y ilawit
sa ‘min, Maria
Ngayon at sa aming
kamatayan.
Ang kalinisan mo’y iginagalang
Naming mahina’t makasalanan
Awa ng Diyos
ang aming kahilingan
Birhen Maria,
kami’y tulungan.
(Refrain)
Panalangin sa Novena
Mahal na Ina ng Laging Saklolo, * buhat sa krus * ibinigay ka sa amin ni Hesus * upang maging Ina namin. * Ikaw ang pinakamabait, * pinakamasintahin sa lahat ng mga ina. * Buong giliw mong tunghayan * kaming iyong mga anak * na ngayon ay humihingi ng iyong tulong * sa lahat ng aming pangangailangan * lalung-lalo na ang biyayang ito ...
(sandaling katahimikan).
Noong ikaw ay nasa lupa, * minamahal na Ina, * ikaw ay buong pusong nakiramay * sa paghihirap ng iyong Anak. * Sa tulong ng iyong pananalig at pagtitiwala * sa maka-Amang pagmamahal ng Diyos * tinanggap mo ang Kanyang mahiwagang kalooban.
Mayroon din kaming mga krus * at mga tiisin sa buhay. * Kung minsan ang mga ito'y parang hindi na namin kayang pasanin. * Pinakamamahal na Ina * bahaginan mo kami ng iyong malaking pagtitiwala sa Diyos. * Ipaunawa mo na walang katapusan * ang pagmamahal ng Diyos sa amin * at tinutugon Niya ang lahat ang aming mga panalangin * sa paraang makabubuti sa amin. * Palakasin mo ang aming loob sa pagpapasan ng krus * tulad ng iyong Banal na Anak. * Tulungan mong maunawaan namin * na sinumang nakikibahagi sa krus ni Kristo ay tiyak na makakabahagi rin * sa Kanyang muling pagkabuhay.
Pinakamamahal na Ina * habang kami’y nababahala sa sarili naming mga suliranin * huwag sana naming malimutan ang mga pangangailangan ng iba. * Mahal na mahal mo sila; * tulungan mong maging ganito rin* ang aming pagmamahal sa kanila. * Samantalang idinadalangin namin ang aming mga adhikain * at mga adhikain ng lahat ng naririto ngayon * mataimtim sa loob na hinihiling namin sa iyo, aming Ina, * tulungan mo kaming makapagdulot ng aliw at ginhawa sa mga maysakit * at sa mga malapit nang sumakabilang buhay, * makapagbigay ng pag-asa sa mga dukha at walang hanapbuhay, magpahilom ng sugat ng mga pusong wasak,* makiisa sa pagkilos ng mga inaapi, * at turuan ng katarungan * ang mga sa kanila’y nang-aapi * at ibalik sa Diyos ang lahat ng mga nagkasala sa kanya.
Pinakamamahal na Ina, tulungan mo kaming umiwas sa kasalanan * na naglalayo sa amin sa aming Ama sa langit * at sa isa't isa. * Buong tiwala naming isinasalalay * ang aming sarili sa iyong pagkalinga * at lubos na umaasa sa Iyong mapagmalasakit na pangalangin.
Amen.
Panalangin Para sa Tahanan
Ina ng Laging Saklolo, * pinili ka naming Reyna ng aming tahanan. * Hinihiling naming pagpalain mo ang aming pamilya * sa pamamagitan ng iyong matimyas na pagmamahal. Mahigpit nawang bigkisin ng Sakramento ng Kasal * ang mga mag-asawa * upang lagi silang maging tapat at mapagmahal sa isa't-isa * tulad ng pagmamahal ni Kristo sa Santa Iglesia.
Hinihiling naming pagpalain mo ang lahat ng mga magulang. Mahalin nawa nila ang mga anak * na ipinagkatiwala ng Diyos sa kanila. * Nawa"y lagi silang maging huwaran ng kanilang mga anak * sa pamamagitan ng kanilang tunay na buhay-Kristiyano. * Tulungan mong palakihin * at arugain * ang kanilang mga anak * na may pagmamahal at takot sa Diyos. * Pagpalain mo ang mga bata * upang kanilang mahalin, * igalang at sundin * ang kanilang ama at ina. * Sa iyong magiliw na pagpapala * tangi naming ipinagkakatiwala ang mga kabataan ngayon.
Bigyan mo kaming lahat * ng pagpapahalaga sa aming pananagutan * nang matupad namin ang aming tungkulin * na gawing pugad ng kapayapaan ang aming tahanan * tulad ng iyong tahanan sa Nazareth. * Ikaw ang aming huwaran. * Tulungan mo kami * upang sa araw-araw ay lalong magningas * ang dalisay naming pagmamahal sa Diyos at kapwa, * nang sa gayo'y maligayang maghari ang katarungan at kapayapaan * sa buong sangkatauhan.
Amen.
Mga Kahilingan sa Ating Ina ng Laging Saklolo
Santa Maria
IPANALANGIN MO KAMI
Santang Birhen na ipinaglihing walang kasalanan
IPANALANGIN MO KAMI
Aming Ina ng Laging Saklolo
IPANALANGIN MO KAMI
Kaming makasalan ay tumatawag sa iyo
MASINTAHING INA, IPANALANGIN MO KAMI
Kaming makasalan ay tumatawag sa iyo,
MASINTAHING INA, IPANALANGIN MO KAMI.
Sa panahon ng Adbiyento:
Upang paghandaan naming katulad Mo ang pagdating ni Kristo
MASINTAHING INA, IPANALANGIN MO KAMI.
Sa panahon ng Kapaskuhan:
Upang lubos naming ibigay ang aming puso kay Kristo sa Paskong ito
MASINTAHING INA, IPANALANGIN MO KAMI.
Sa panahon ng Kuwaresma:
Upang maging tapat kami sa mga ipinangako namin ng kami'y binyagan,
MASINTAHING INA, IPANALANGIN MO KAMI.
Sa panahon ng Muling Pagkabuhay:
Upang kasama mong ipagdiwang namin ang tagumpay ni Kristo sa kasalanan at kamatayan
MASINTAHING INA, IPANALANGIN MO KAMI.
Iba-ibang mga Linggo:
Upang mapuno kami ng Espiritu Santo at maging mga magigiting na saksi sa pagmamahal ni Kristo sa tao
MASINTAHING INA, IPANALANGIN MO KAMI.
Upang katulad mo, unti-unti kaming matulad sa aming mahal na Panginoon,
MASINTAHING INA, IPANALANGIN MO KAMI.
Upang maging mapagpaumanhin at mapagkumbaba kami katulad ng iyong Anak na si Hesus,
MASINTAHING INA, IPANALANGIN MO KAMI.
Upang matakot kaming lubusang masira ang pakikipagkaibigan ng Diyos sa amin dahil sa ayaw naming pagsisihang kasalanan,
MASINTAHING INA, IPANALANGIN MO KAMI.
Upang lagi naming sikaping matamo ang awa at patawad ng Diyos sa Sakramento ng Pagkukumpisal,
MASINTAHING INA, IPANALANGIN MO KAMI.
Upang maunawaan namin na tinuturuan kami ng Diyos sa pamamagitan ng mga pangyayari sa araw-araw na pamumuhay,
MASINTAHING INA, IPANALANGIN MO KAMI.
Upang manalangin kami araw-araw na may pagmamahal at pagtitiwala, lalo na sa mga sandali ng tukso,
MASINTAHING INA, IPANALANGIN MO KAMI.
Upang maunawaan namin ang halaga ng sama-samang pagsamba sa Diyos sa Eukaristiya,
MASINTAHING INA, IPANALANGIN MO KAMI.
Upang patuloy na mag-alab ang aming pag-ibig kay Kristo at sa kapwa sa pamamagitan ng malimit na pagtanggap ng Banal na Komunyon,
MASINTAHING INA, IPANALANGIN MO KAMI.
Upang igalang namin ang aming katawan bilang mga templo ng Espiritu Santo,
MASINTAHING INA, IPANALANGIN MO KAMI.
Upang magsikap kaming maging tunay na mga Kristiyano sa pamamagitan ng mapagmahal na pagmamalasakit sa iba,
MASINTAHING INA, IPANALANGIN MO KAMI.
Upang ipahayag namin ang dangal ng trabaho sa pamamagitan ng katapatan sa aming gawain,
MASINTAHING INA, IPANALANGIN MO KAMI.
Upang buong puso naming patawarin ang mga nakagawa sa amin ng masama,
MASINTAHING INA, IPANALANGIN MO KAMI.
Upang maunawaan namin ang kasamaan ng paghahangad sa sariling kapakanan na makakapinsala sa iba,
MASINTAHING INA, IPANALANGIN MO KAMI.
Upang tumulong kami na ipamahagi ang kayamanan ng mundong ito alinsunod sa katarungan
MASINTAHING INA, IPANALANGIN MO KAMI.
Upang gamitin namin ang aming mga kakayahan para sa ikabubuti ng iba
MASINTAHING INA, IPANALANGIN MO KAMI.
Upang tanggapin namin ang aming pananagutan sa lipunan ayon sa diwa ng tunay na paglilingkod
MASINTAHING INA, IPANALANGIN MO KAMI.
Upang patnubayan at patatagin ng Espiritu Santo ang loob ng Santo Papa, ng mga obispo at mga pari,
MASINTAHING INA, IPANALANGIN MO KAMI.
Upang pagkalooban kami ng Panginoon ng maraming mga kabataan na tumugon sa tawag ng Panginoon sa pagpapari at buhay relihiyoso,
MASINTAHING INA, IPANALANGIN MO KAMI.
Upang pangalagaan at ingatan namin ang kalikasang kaloob ng Diyos,
MASINTAHING INA, IPANALANGIN MO KAMI.
Upang ipagtanggol namin ang dangal ng tao at kabanalan ng buhay mula sa sinapupunan hanggang sa kamatayan,
MASINTAHING INA, IPANALANGIN MO KAMI.
Upang magkaroon ng tunay at pangmatagalang kapayapaan sa ating mundo,
MASINTAHING INA, IPANALANGIN MO KAMI.
Upang matulungan naming kilalanin at mahalin si Kristo ng mga hindi pa nakakikilala sa kanya,
MASINTAHING INA, IPANALANGIN MO KAMI.
Upang maunawaan namin na sa gitna ng aming mga tagumpay, nangangailangan pa rin kami ng tulong ng Diyos,
MASINTAHING INA, IPANALANGIN MO KAMI.
Upang sa kamatayan, maging handa kaming pumasok sa tahanan ng aming Ama sa langit,
MASINTAHING INA, IPANALANGIN MO KAMI.
Upang pagdating ng kamatayan sa aming mga mahal sa buhay kami’y aliwin ng aming pag-asa sa Panginoong muling nabuhay,
MASINTAHING INA, IPANALANGIN MO KAMI.
Upang idalangin namin na ang mga yumao ay makinabang agad sa muling pagkabuhay ng iyong Anak,
MASINTAHING INA, IPANALANGIN MO KAMI.
(Tahimik nating idalangin ang ating sariling mga hangarin. )
Lahat: Santa Maria, * ipanalanign mo kami, ipanalangin mo ang bayan ng Diyos. * Mara nasan nawa ng lahat * ang iyong walang hanggang saklolo.
Namumuno: Panginoon, * ibinigay mo sa amin si Maria * upang maging Ina namin na laging handang dumamay sa amin. Loobin Mo nawa na dumulog kami sa kanya * sa lahat ng aming pangangailangan.
Lahat: Amen.
Pag-aalay ng Sarili sa Ating Ina ng Laging Saklolo
(Unang Miyerkules lamang)
Kalinis-linisang Birhen Maria * Ina ng Diyos at Ina ng Santa Iglesia, * ikaw ay amin ding Ina na laging handang sumaklolo sa amin. * Taglay ang mga pusong lipos ng pag-ibig sa iyo * itinatalaga namin ang aming sarili * sa iyong Kalinis-linisang Puso * upang kami ay maging tapat mong mga anak. * Ihingi mo kami ng tunay na pagsisisi * sa aming mga kasalanan * at katapatan sa aming mga ipinangako * nang kami ay binyagan.
Itinatalaga namin sa iyo * ang aming puso't kaluluwa * upang lagi naming sundin * ang kalooban ng aming Ama sa langit. * Itinatalaga namin sa iyo ang aming buhay * upang lalo naming mahalin ang Diyos * at mabuhay kami, hindi para sa aming sarili * kundi para kay Kristong iyong Anak * at upang Siya’y aming makita at paglingkuran sa aming kapwa.
Sa abang pagtatalaga na ito, * pinakamamahal na Ina ng Laging Saklolo,* ipinangangako namin* na ang aming buhay * ay itutulad namin sa iyo * ikaw na pinakaganap na Kristiyano * upang matapos naming maitalaga sa iyo ang aming sarili * sa buhay at kamatayan * ay makapiling kami * ng iyong Anak magpakailanman.
Amen.
Awit: Birheng Mahal
Birheng mahal, Birheng mahal,
ang nasa ko'y ano?
di nais ang kayamanan
at tuwang napaparam.
O, Birheng Mahal, Birheng Mahal
ang samo ko'y ito:
Si Hesus na kalong mo sa bisig,
ligaya ng buhay ko.
Birheng Mahal, Birheng Mahal
dagat itong buhay.
Ang ‘yong Anak ay itanglaw
at nang di maligaw;
At, Birheng Mahal, Birheng Mahal
ang nais ko'y ito:
Sa hantungan nitong paglalakbay
Si Hesus ay makamtan.
Awit: Handog ng Tagapagligtas
Handog na Tagapagligtas
Langit sa amin nagbukas
Pagkalooban ang iyong angkan
ng pananggol sa kasamaan
Ang isang Diyos ay purihin.
Tatlong Persona ay sambahin;
Ang buhay namin ay palawigin
hanggang sa buhay na darating.
Amen…
Pasasalamat
Panginoon Hesukristo, na nasa Banal na Eukaristiya,sinasamba ka namin. Ikinalugod ng Ama na ang buo Niyang pagka-Diyos ay sumasa-iyo. at sa pamamagitan mo niloob Niyang pagkasunduin sa kanya ang lahat ng bagay. Loobin Mo na kami ay lubos na magpasalamat sa lahat ng ginawa sa amin ang Ama. Loobin mong pagsisihan naming lubos ang aming mga kasalanan. Sa pamamagitan Mo, pinasasalamatan namin ang Ama sa pagbibigay niya sa amin ng buhay. Nilikha niya ang lahat ng kahanga-hangang mga bagay para sa amin. Nawa'y gamitin namin ang mga ito sa kabutihan at nawa'y pagningasin ng mga ito ang aming pagmamahal sa Kanya. Higit sa lahat, pinasasalamatan namin ang aming Ama sa pagsusugo Niya sa iyo: bilang siyang pinakadakilang tanda ng kanyang pagmamahal na nagligtas sa amin. at sa lahat ng sangkinapal sa pamamagitan ng iyong pagkamatay at muling pagkabuhay. Nagpapasalamat kami sa iyo, Panginoon, sa pagbibigay mo ng Iyong Ina upang maging Ina namin ng laging saklolo. Harinawang ang di mabilang na biyayang tinaggap namin sa tulong niya, lalo na sa pamamagitan ng pagnonobena sa kanyaay makapukaw sa aming damdamin upang maragdagan ang aming pagtitiwala sa mapagkalingang awa ng Diyos. at sa walang sawang pagdamay ng iyong Ina. Loobin mo nawa na lagi kaming sumunod sa banal na kalooban ng Diyos at mahalin siya ng walang hanggan. ANG KARANGALAN, KALUWALHATIAN AT PASASALAMAT AY MAPASA KABANAL-BANALANG TATLONG PERSONA … AMA * ANAK AT ESPIRITU SANTO * MAGPASAWALANG- HANGGAN AMEN.
Panalangin Para Sa Mga Maysakit
Panginoong Hesukristo, pinasan Mo ang aming mga tiisin * at dinala Mo ang aming mga dalamhati upang Iyong ipakilala ang halaga ng pagtitiis at ng pangangailangan ng tao ng Iyong tulong. Magiliw Mong dinggin ang aming mga panalangin para samga minamahal naming may sakit lalo na... (manahimik sandali at alalahanin ang mga maysakit na mahal sa buhay) Ipagkaloob Mo sa kanila na labis na nahihirapan dahil sa dinaranas nilang mga sakit at karamdaman ang iyong mapaghilom na lakas at kalinga. Ibalik mo sa kanila ang kalusugan ng katawan at kaluluwa upang sila ay muling makapaglingkod sa iyo at sa kapwa.
Amen.
Awit: Sambahin ang Panginoon
Sambahin ang Panginoon
naririto sa altar
kamatayan niya'y tagumpay
na sa atin nagbibigay
ng pag-asa sa ligaya
at buhay na walang hanggan.
Ang tinapay
at ang alak
na aming tinatanggap
dito sa 'yong Sakramento,
O Hesus ay buhay mo.
Pag-alabin aming puso
sa ningas ng pag-ibig mo.
Amen, Amen.
Benediksyon
V: Binigyan mo sila ng pagkaing galing sa langit
(Aleluya)
R: Bukal ng lahat ng kaligayahan.
(Aleluya)
Manalangin tayo
Panginoon naming Diyos, sa pamamagitan ng mahiwagang pagkamatay at muling pagkabuhay ng iyong Bugtong na Anak, iniligtas mo ang tao. Lipos ng pagtitiwala naming ipinahahayag ang hiwagang ito sa pamamagitan ng Eukaristiya. Tulungan mong maranasan namin ang ginawa mong pagsakop, alang-alang kay Kristong aming Panginoon.
Amen.
Pagpupuri
Purihin ang Diyos.
Purihin ang kanyang Santong galan.
Purihin si Hesukristo, Diyos na totoo at Taong totoo.
Purihin ang Ngalan ni Hesus.
Purihin ang Kanyang Kabanal-banalang Puso.
Purihin ang Kanyang Kamahal-mahalang Dugo.
Purihin si Hesukristo sa Santisimo Sakramento sa altar.
Purihin ang Diyos Espiritu Santo, ang Mang-aaliw.
Purihin ang dakilang Ina ng Diyos na si Maria Santisima.
Purihin ang maluwalhating pag-akyat sa langit kay Maria.
Purihin ang ngalan ni Maria, Birhen at Ina.
Purihin si San Jose na kanyang kalinis-linisang esposo.
Purihin ang Diyos sa Kanyang mga anghel at sa Kanyang mga santo.
Awit: O Sakramentong Mahal
O Sakramentong Mahal
na sa langit buhat
ang puri ng kinapal
Iyong iyong lahat
Iyong-iyong lahat.
Awit: Aba Ginoong Maria
Aba Ginoong Maria
Napupuno ka ng grasya
Ang Panginoong Diyos
ay sumasaiyo
Bukod kang pinagpala
sa babaeng lahat
at pinagpala naman
ang iyong Anak na si Hesus.
Santa Maria,
Ina ng Diyos
Ipanalangin mo kaming
makasalanan ngayon
at kung kami ay mamamatay
Friday, July 15, 2022
PANALANGIN SA UNANG ARAW NG NOBENA
Katamis-tamisang Jesus Nazareno Diyos at manununbos namin, na naglalakbay sa Kalbaryong pasan-pasan mo ang krus na pagpapakuan sa iyo. Kaming abang makasalanan, na naging dahil ng iyong di masayod na hirap ay nagpupuri sa iyo at nagpapasalamat, na bilang maamong Kordero ay buong hinahong tinanggap mo sa ibabaw ng iyong balikat ang kahoy ng yong kamatayan upang doon mawakasan ang aming mga kasalanan at sangdaigdigan. Patawarin mo kami, o butihing Jesus; inaamin namin ang aming mga sala at kami’y nananalig na dahil sa kabutihan mong walang kahulilip ay huhugasan mo ng iyong Dugo. Patnubayan mo kami, Diyos ko, ng iyong biyaya at ihatid mo kami sa landas ng iyong mga utos diyan sa iyong langit na kaharian. Siya nawa.
(Magdasal ng Tatlong Aba Ginoong Maria)
PANALANGIN SA IKALAWANG ARAW NG NOBENA
O Kaibig-ibig na Jesus, Korderong lubhang maamo ng Diyos, kami, imbing makasalanan, ay nagpupugay at sumasamba sa kagalang-galang na sugat sa balikat na likha ng pinasan mong napakabigat na Krus na umukit sa laman mo at nagpalitaw sa iyong mga buto na nagdulot sa iyo ng sakit na higit sa alinmang sugat sa kagalang-galang mong katawan. Sinasamba ka namin, O nagdaralitang Jesus kami’y nagpupuri sa iyo gumagalang at umiibig, at pinasasalamatan ka namin ng dahil sa kagalang-galang at kasakit-sakitang sugat, ay isinasamo namin sa iyo na alang-alang sa napakalabis na hapdi’t sa walang kapantay na bigat nang iyong Krus ay kaawaan mo kaming makasalanan, patawarin mo ang lahat naming mabibigat at magagaang na sala at ihatid kami sa langit sa pamamagitan ng landas ng iyong Krus. Siya nawa.
(Magdasal ng Tatlong Aba Ginoong Maria)
PANALANGIN SA IKATLONG ARAW NG NOBENA
Dilidilihin mo ang mga pagod, sakit at pagkakarapa ng Manunubos dahil sa hirap sa bigat ng Krus at sa gitna ng mga alimura’t pagkutya ng kaniyang mga kaaway, ay walang imik na lumalakad na patungong Kalbaryo. O Anak ng Diyos, na nagkatawang tao ng dahil sa pag-ibig sa tao! Tinanggap mo ng buong kapakumbabaan at pagsangayon ang pagkamatay sa krus upang ibalik sa tao ang nawalang buhay nang dahil sa kasalanan. Masdan mo’t ang lahat ay mamamatay at walang ibang landas sa buhay at sa tunay na kapayapaan, kundi ang landas ng banal na krus at patuloy na pagpapakasakit. Siya nawa.
(Mag-alay ng Tatlong Aba Ginoong Maria)
PANALANGIN SA IKAAPAT NA ARAW NG NOBENA
Aalalahanin mo ang kalungkut-lungkot na pagkakasalubong ni Jesus sa kaniyang Kabanal-banalang Ina. Dilidilihin mo ang pagmamahal ng kaibig-ibig na Puso ni Jesus sa harap ni Maria at sa gitna ng walang kahambing na pagdurusa ng Puso ni Maria sa pagkakita kay Jesus. Kami’y nagkasala, O Jesus ko, at sa aming mga sala ay karapat-dapat kami sa parusang walang hanggan, na dahil sa wala mong katapusang awa sa amin ay nagpakasakit ka at inihandog mo ang iyong buhay alang-alang sa aming kaligtasan. Siya nawa.
(Magdasal ng Tatlong Aba Ginoong Maria)
PANALANGIN SA IKALIMANG ARAW NG NOBENA
Dilidilihin natin kung paano sa paglakad na patungong Kalbaryo ni Jesus na pasan ang mabigat na krus ay naubusan siya ng lakas, at ng ito ay mamalas ng mga hudyo, sa pangambang mamatay ng di pa sumasapit sa pook na pagpapakuan sa kaniya ay pinilit si Simon Cirene na tulungan siya sa pagpapasan ng krus. Humahanga kami, O Jesus ko, at nagpupuri sa iyong bathalang pagtitiis sa pagpasan hanggang sa Kalbaryo ng Krus na pagpapakuan sa iyo. Purihin ka nawa at sambahin ngayon at magpakailanman. Siya nawa.
(Magdasal ng Tatlong Aba Ginoong Maria)
PANALANGIN SA IKAANIM NA ARAW NG NOBENA
Dilidilihin mo sa araw na ito ang pagkakasalubong ni Jesus sa mahabaging babaeng nagngangalang si Veronica na sa malaking habag nito sa Manunubos, ay inabot dito ang kaniyang taglay na birang upang pahiran ang bathalang mukhang pinapangit ng dugong umaagos sa mga sugat. Alang-alang sa mga hirap at sakit ng aming Panginoon, ay magkaroon nawa kami ng pag-ibig sa aming Manunubos at pagkamuhi sa kasalanan hanggang sa huling sandali. Siya Nawa.
(Magdasal ng Tatlong Aba Ginoong Maria)
PANALANGIN SA IKAPITONG ARAW NG NOBENA
Sa araw na ito’y dilidilihin natin ang pagkakasalubong ni Jesus sa mahabaging mga babaing sumusunod sa kaniya na tumatangis dahil sa kalunos-lunos na kalagayan ng Manunubos, na ng sila’y makita ng mga babaing taga Jerusalem, huwag ako ang inyong tangisan; kundi ang inyong mga anak. Mahabaging Puso ni Jesus maawa ka sa aming kaluluwang makasalanan at pawiin mo ng iyong dugo ang aming mga gawang linsil. Siya Nawa.
(Magdasal ng Tatlong Aba Ginoong Maria)
PANALANGIN SA IKAWALONG ARAW NG NOBENA
Dilidilihin mo na ng si Jesus ay sumapit sa bundok ng Kalbaryo ay walang pakundangang hinubaran siya ng damit ng mga berdugo, at sa gayon ay nanariwang muli at umantak ang mga sugat ng kabanal-banalan niyang katawan at pinainum siya ng alak na nilahukan ng apdo. O Panginoon naming pinapagdusa sa krus. Tanggapin mo kami sa iyong biyaya at pamagitan mo kami sa iyong Ama sa langit. Siya Nawa.
(Magdasal ng Tatlong Aba Ginoong Maria)
PANALANGIN SA IKASIYAM NA ARAW NG NOBENA
Masdan mo ang iyong Manunubos na nakabayubay sa krus, na pagkaraan ng tatlong oras ng kasakit-sakit na paghihingalo ay namatay sa pagtubos sa ating mga sala. Sinasamba ka namin, Hari at Panginoon namin, Hari ng mga kaluluwa at ng buong nilalang na mula riyan sa luklukan ng sakit ay naghahari ka sa ilalim ng bathalang kapangyarihan ng iyong pag-ibig na niyakap ni Jesus, naging luklukan ng iyong awa, ikaw ang aming kaaliwan, aming pag-asa sa kaisa-isang Hiyas na aming kaligtasan. Siya Nawa.
(Magdasal ng Tatlong Aba Ginoong Maria)
PANGWAKAS NA PANALANGIN SA LAHAT NG ARAW
Ama naming makapangyarihan, niloob mong akuin ng iyong Anak ang krus at kamatayan upang ang sangkatauhan ay matubos at mabuhay. Ang pag-ako namin sa krus at kamatayan dito sa lupa ayon sa diwa ng pagsunod sa iyong loob na ginanap ng iyong Anak ay magpagindapat nawang aming kamtin ang lubos na katubusan at pagkabuhay sa iyong piling sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen.
Subscribe to:
Posts (Atom)




Social Media
Search